Saturday, November 3, 2007

Rhian, magiging big star’


HOY, Ian F., ’di ba madalas naming banggitin sa ’yo na among the young talents ng GMA-7, kay Rhian Ramos kami may kakaibang pulso?

If properly handled, Rhian can be a big star, say pa namin.

Who can really best handle and help her than her auntie, Ida Henares, who is head of the talent arm ng GMA-7, Artists Center?

Nang sinabi namin ito sa ’yo, Ian F., nabanggit din namin na ’di pa namin siya nakikita nang personal.

Well, Ian F., we finally did see her in person recently. Sa isang event organized by the Philippine Movie Press Club (PMPC), currently headed by Fernan de Guzman (Ms. F. to Ogie Diaz and us).

The more na kumbinsido kaming it is just a matter of time before Rhian becomes a big star. But, we repeat, she’s a pretty face na ’di overwhelming, pero may kakaibang dating.

Kaya marami sa kung sinumang followers niya ngayon ang kaagad ay makaka-identify sa kanya.

Call it coincidence, Ian F., but this feeling na nadarama namin for Rhian is the same na naramdaman namin when we first caught sight of Angel Locsin nang una namin siyang makita sa wake ng nasira niyang boyfriend na si Mico Sotto (hoy Angel L., naalala mo man lang bang ipagtirik ng kandila si Mico noong Araw ng mga Patay?)

Itanong mo pa kay Annabelle Rama, who was seated with us and Dolor Guevarra nang unang araw ng wake ni Mico.

It was we who suggested to Mother Lily Monteverde to sign up Angel to a contract. We didn’t know her then. Neither did she know us.

* * *

WHAT would work to Rhian’s favor is that she is still young. Sixteen years old lang siya at maganda ang background.

Her dad is a Briton named Gareth Howell. Her mom is a sis of Ma’am Ida.

It’s good to know that in her next soap for GMA-7, Rhian will be playing the role played by Sharon Cuneta in the movie My Only Love.

Nakapanghihinayang nga lang that she’s not attending regular school. She’s on a home study program. Third year high school lang si Rhian.

Gladys Reyes may bagong career


Bilib talaga kami kay Gladys Reyes. Nu’ng muli namin siyang makita ay nagulat na lang kami na ibinalita niya sa amin na meron na siyang isang lifestyle/ reality show.

Excited si Chic Chic (palayaw ni Gladys) about this show at talagang natatawa pa siyang sinabi sa amin na, “Kina-karir ko na talaga ito! I wanna do something else kasi na hindi pa alam ng mga tao.” Nakilala si Gladys bilang isang sikat na kontrabida sa telebisyon at pelikula pero ayon sa aktres, gusto naman daw niyang maipakita sa lahat that she can do something else.

Moments ang title ng show ni Gladys sa Net 25 (channel 18 sa home and sky cable) at talagang iso-showcase ng palabas na ito ang iba’t ibang levels ng pagiging isang ina, na ayon pa kay Gladys ay isnag mahirap pero masarap na full-time job.

May iba’t ibang segments ang Moments gaya ng 24/7 that tackles more on celebrity moms at ang kanilang non-stop job. Ang Moms on the Go naman ay segment tungkol sa practical tips sa bahay at kung anik pa. Sa ibang segments gaya ng Moms ABC ay magi-invite rin daw sila ng guests gaya ng child psychologist and other experts para matulungan silang i-discuss ang iba’t ibang concerns ng mga mommies.

Ilan na rin ang mga celebrities na naimbita ni Gladys para sa kanyang show. Na-tape na raw nila ang mga ito. In fact, ilan sa mga paborito niya ay ang guestings nina Mariz and children dahil nag-live appearance pa raw si Ronnie Ricketts.

Naikuwento rin ni Chic Chic na naging bahagi rin si Ms. Cristy Fermin ng Moments. Isa raw ito sa pinaka-touching episodes ni Gladys. Alam ng lahat na bihira lang ipasilip ni Tita Cristy ang tahanan niya. Pero this time nagsalita pa raw ang mga anak ni Tita Cristy at pati na ang butihing ina ng TV host.

Napaiyak daw tuloy si Gladys.

Kaya abangan natin ang Moments ni Ms. Gladys Reyes- Sommereux ( natutuwa talaga si Chic sa apelyido niya dahil pang-mayaman daw) sa Nov. 10 (Sabado) 6-7p.m. at may re-run tuwing Linggo 11-12 noon sa Net 25.

Thursday, November 1, 2007

Schedule Birthday






















November 06 - Jolina Magdangal, 29
November 09 - Janice de Belen, 39
November 09 - Dex Quindoza, 19
November 10 - Pauleen Luna, 19
November 15 - Jonalyn Viray, 18
November 17 - Sherwin Ordoñez
November 18 - Renee Lascuña, 18
November 23 - Jimmy Santos, 57
November 23 - Maxene Magalona, 21
November 24 - Christian Esteban
November 26 - Teri Onor, 34
November 26 - Bugz Daigo, 20
November 26 - Hazel Taligtos, 17
November 29 - Paolo Ballesteros, 25
November 30 - Mark Anthony Fernandez
November 30 - Carrie Lee