
Bilib talaga kami kay Gladys Reyes. Nu’ng muli namin siyang makita ay nagulat na lang kami na ibinalita niya sa amin na meron na siyang isang lifestyle/ reality show.
Excited si Chic Chic (palayaw ni Gladys) about this show at talagang natatawa pa siyang sinabi sa amin na, “Kina-karir ko na talaga ito! I wanna do something else kasi na hindi pa alam ng mga tao.” Nakilala si Gladys bilang isang sikat na kontrabida sa telebisyon at pelikula pero ayon sa aktres, gusto naman daw niyang maipakita sa lahat that she can do something else.
Moments ang title ng show ni Gladys sa Net 25 (channel 18 sa home and sky cable) at talagang iso-showcase ng palabas na ito ang iba’t ibang levels ng pagiging isang ina, na ayon pa kay Gladys ay isnag mahirap pero masarap na full-time job.
May iba’t ibang segments ang Moments gaya ng 24/7 that tackles more on celebrity moms at ang kanilang non-stop job. Ang Moms on the Go naman ay segment tungkol sa practical tips sa bahay at kung anik pa. Sa ibang segments gaya ng Moms ABC ay magi-invite rin daw sila ng guests gaya ng child psychologist and other experts para matulungan silang i-discuss ang iba’t ibang concerns ng mga mommies.
Ilan na rin ang mga celebrities na naimbita ni Gladys para sa kanyang show. Na-tape na raw nila ang mga ito. In fact, ilan sa mga paborito niya ay ang guestings nina Mariz and children dahil nag-live appearance pa raw si Ronnie Ricketts.
Naikuwento rin ni Chic Chic na naging bahagi rin si Ms. Cristy Fermin ng Moments. Isa raw ito sa pinaka-touching episodes ni Gladys. Alam ng lahat na bihira lang ipasilip ni Tita Cristy ang tahanan niya. Pero this time nagsalita pa raw ang mga anak ni Tita Cristy at pati na ang butihing ina ng TV host.
Napaiyak daw tuloy si Gladys.
Kaya abangan natin ang Moments ni Ms. Gladys Reyes- Sommereux ( natutuwa talaga si Chic sa apelyido niya dahil pang-mayaman daw) sa Nov. 10 (Sabado) 6-7p.m. at may re-run tuwing Linggo 11-12 noon sa Net 25.
No comments:
Post a Comment