Saturday, November 3, 2007

Rhian, magiging big star’


HOY, Ian F., ’di ba madalas naming banggitin sa ’yo na among the young talents ng GMA-7, kay Rhian Ramos kami may kakaibang pulso?

If properly handled, Rhian can be a big star, say pa namin.

Who can really best handle and help her than her auntie, Ida Henares, who is head of the talent arm ng GMA-7, Artists Center?

Nang sinabi namin ito sa ’yo, Ian F., nabanggit din namin na ’di pa namin siya nakikita nang personal.

Well, Ian F., we finally did see her in person recently. Sa isang event organized by the Philippine Movie Press Club (PMPC), currently headed by Fernan de Guzman (Ms. F. to Ogie Diaz and us).

The more na kumbinsido kaming it is just a matter of time before Rhian becomes a big star. But, we repeat, she’s a pretty face na ’di overwhelming, pero may kakaibang dating.

Kaya marami sa kung sinumang followers niya ngayon ang kaagad ay makaka-identify sa kanya.

Call it coincidence, Ian F., but this feeling na nadarama namin for Rhian is the same na naramdaman namin when we first caught sight of Angel Locsin nang una namin siyang makita sa wake ng nasira niyang boyfriend na si Mico Sotto (hoy Angel L., naalala mo man lang bang ipagtirik ng kandila si Mico noong Araw ng mga Patay?)

Itanong mo pa kay Annabelle Rama, who was seated with us and Dolor Guevarra nang unang araw ng wake ni Mico.

It was we who suggested to Mother Lily Monteverde to sign up Angel to a contract. We didn’t know her then. Neither did she know us.

* * *

WHAT would work to Rhian’s favor is that she is still young. Sixteen years old lang siya at maganda ang background.

Her dad is a Briton named Gareth Howell. Her mom is a sis of Ma’am Ida.

It’s good to know that in her next soap for GMA-7, Rhian will be playing the role played by Sharon Cuneta in the movie My Only Love.

Nakapanghihinayang nga lang that she’s not attending regular school. She’s on a home study program. Third year high school lang si Rhian.

Gladys Reyes may bagong career


Bilib talaga kami kay Gladys Reyes. Nu’ng muli namin siyang makita ay nagulat na lang kami na ibinalita niya sa amin na meron na siyang isang lifestyle/ reality show.

Excited si Chic Chic (palayaw ni Gladys) about this show at talagang natatawa pa siyang sinabi sa amin na, “Kina-karir ko na talaga ito! I wanna do something else kasi na hindi pa alam ng mga tao.” Nakilala si Gladys bilang isang sikat na kontrabida sa telebisyon at pelikula pero ayon sa aktres, gusto naman daw niyang maipakita sa lahat that she can do something else.

Moments ang title ng show ni Gladys sa Net 25 (channel 18 sa home and sky cable) at talagang iso-showcase ng palabas na ito ang iba’t ibang levels ng pagiging isang ina, na ayon pa kay Gladys ay isnag mahirap pero masarap na full-time job.

May iba’t ibang segments ang Moments gaya ng 24/7 that tackles more on celebrity moms at ang kanilang non-stop job. Ang Moms on the Go naman ay segment tungkol sa practical tips sa bahay at kung anik pa. Sa ibang segments gaya ng Moms ABC ay magi-invite rin daw sila ng guests gaya ng child psychologist and other experts para matulungan silang i-discuss ang iba’t ibang concerns ng mga mommies.

Ilan na rin ang mga celebrities na naimbita ni Gladys para sa kanyang show. Na-tape na raw nila ang mga ito. In fact, ilan sa mga paborito niya ay ang guestings nina Mariz and children dahil nag-live appearance pa raw si Ronnie Ricketts.

Naikuwento rin ni Chic Chic na naging bahagi rin si Ms. Cristy Fermin ng Moments. Isa raw ito sa pinaka-touching episodes ni Gladys. Alam ng lahat na bihira lang ipasilip ni Tita Cristy ang tahanan niya. Pero this time nagsalita pa raw ang mga anak ni Tita Cristy at pati na ang butihing ina ng TV host.

Napaiyak daw tuloy si Gladys.

Kaya abangan natin ang Moments ni Ms. Gladys Reyes- Sommereux ( natutuwa talaga si Chic sa apelyido niya dahil pang-mayaman daw) sa Nov. 10 (Sabado) 6-7p.m. at may re-run tuwing Linggo 11-12 noon sa Net 25.

Thursday, November 1, 2007

Schedule Birthday






















November 06 - Jolina Magdangal, 29
November 09 - Janice de Belen, 39
November 09 - Dex Quindoza, 19
November 10 - Pauleen Luna, 19
November 15 - Jonalyn Viray, 18
November 17 - Sherwin Ordoñez
November 18 - Renee Lascuña, 18
November 23 - Jimmy Santos, 57
November 23 - Maxene Magalona, 21
November 24 - Christian Esteban
November 26 - Teri Onor, 34
November 26 - Bugz Daigo, 20
November 26 - Hazel Taligtos, 17
November 29 - Paolo Ballesteros, 25
November 30 - Mark Anthony Fernandez
November 30 - Carrie Lee

Saturday, October 6, 2007

JEAN FINALLY BREAKS SILENCE

JEAN Garcia finally talked about her alleged warning to her daughter Jennica and Mart Escudero to use a condom. “I will never say such a thing so I hope they won’t put words into my mouth,” she says at he presscon of Regal’s new horror flick, “Hide and Seek.” “What I told them is unahin ang career kaysa pag-ibig. Ako na lang sana ang intrigahin, huwag na ang daughter ko. She’s only 17 at three months pa lang sa showbiz, so she’s hurting. She doesn’t deserve this kasi ang implication is nagse-sex na sila ni Mart, when they’re not even on.”

Mart himself said the story is not true. “Unang-una, wala po kaming relasyon ni Jennica. Nanliligaw pa lang ako sa kanya. We do go out to watch movies pero lagi kaming may chaperon. I really don’t know kung saan galing ang condom issue na yan.”

We asked Mother Lily why she’s building up Jennica. “I saw her on TV and she acts very well. She’s like her mother, Jean, very talented. I’m positive she’ll make it kasi we need to build up a new generation of stars. I’m sure magki-click din ang love team nila ni Mart and ‘Hide and Seek’ is a good vehicle to introduce them to moviegoers.”

“Hide and Seek” is written by Gina Marissa Tagasa (based on a concept of Roselle Monteverde) and directed by Rahyan Carlos who megged the hit Dennis Trillo horror film, “Pamahiin,” last year. Jennica plays Jean’s daughter while Eric Quizon is her stepfather. They move into this old house that turns out to be haunted by three ghosts: Alessandra de Rossi, Ryan Eigenmann and Valeen Montenegro. This opens on October 31 and is a perfect Halloween presentation.

HULING araw na kagabi ng Ang mga Mata ni Anghelita. Kakaibang kababalaghan ang natungha-yan pagkatapos na mahati ang dagat at makaligtas ang mga mabu

Ibayong pakikipaglaban ang ginawa ni Anghelita. Sa ending ay vindicated siya dahil maibabalik niya ang pagmamahal ng tao sa Diyos.

Muling babait si Paolo Contis, at iba pa. Muling magmamahalan sina Paolo at Isabel Oli.

Sina Alynna Asistio at Mark Herras ay nanumbalik ang pagmamahalan

Si Marvin Agustin ay nagkaroon ng bagong panata sa buhay.

MALAPIT nang simulan ang movie nina Ogie Alacasid at Regine Velasquez sa GMA Films. Makakasama rin sa pelikula si Lovi Poe at ang kanyang bagong leadi



May working title ang movie na A Long and Lasting Love.

Samantala, busy pa rin si Ogie sa Bubble Gang ang episode kagabi ay hinggil sa gags na related sa traffic violations. Iba’t ibang nakatutuwang pangyayari ang mapapanood sa mga nahuhuli sa paglabag sa trapiko.

Paolo Bediones may bago nang `honey'


NAOSPITAL pala si Sheree pagkatapos ng taping niya ng Balisong episode ng Kung Ako Ikaw. Sobrang pagod at sumumpong daw ang kanyang sakit sa sikmura. Na-confine siya ng one day sa Medical City . Ngayo’y may anti-acid medicine siyang tini-take as maintenance.

Sabi nga ng KAI staff, napansin nilang hinang-hina sa taping si Sheree at talagang kinaya lang tapusin ang trabaho bilang manggagawa ng balisong sa Taal , Batangas.

Sa final night ng KAI last Wednesday ay panay biro tuloy ng staff sa kanya. Bakit daw wala siyang kagana-ganang gumawa, eh, naroroon ang inspiras-yon niyang si Gian Magdangal.

Tawa at ngiti lang ang isinusukli ni Sheree sa mga nagibibiro sa kanya . Sa-yang nga’t kinapos ng lakas si Sheree para manalo sa contest na sinalihan.

Mismong ang Bisor na sumubaybay sa tatlong celebrities na sina Sheree, Angelu de Leon at Juliana Palermo habang gumagawa ng balisong ay nag-comment na naubusan nga ng lakas ang dalaga habang gumagawa sila ng ba-lisong.

Masipag daw sana si Sheree at gusto talagang makagawa ng balisong kaya lang hindi nito kinaya ang trabaho.

Pinuri nang husto ng Bisor si Angelu de Leon kesa si Juliana Palermo. Kasi, raw matinong gumawa si Angelu. Bukod pa sa hindi ito pasaway. May potential daw na maging magaling na balisong maker ito. Kaya ang nagwagi ng P100, 000 ay si Angelu.

Samantala, ang susunod na episode sa Kung Ako Ikaw ay ang trabahong porter na ang celebrities na sina Marky Cielo, Marco Alcaraz at Diego Llorico ang gumampan.

Sa Negros Navigation pier sa North Harbor nag-porter ang tatlo.

Sila’y naging ‘dancing porter’ kung saan kilala ang porters ng Negros Navigation ships.

* * *
NASABI ni Paolo Bediones sa presscon ng Whammy Push Your Luck game ng GMA-7 na magsisimula sa Oct. 8 sa GMA-7, bago ang 24 Oras, na sinuwerte ulit siya nang kanyang maging girlfriend si Abigail Cruz, 2nd runner-up sa Bb. Pilipinas 2007.

Wika ni Paolo: “Nagkakilala kami during the time na I was so depressed dahil nawalan ako ng daily show, ang Extra Challenge. Nang naging kami siya ang hingahan ko ng mga sama ng loob kaya naging positive ulit ang outlook sa buhay. Sinuwerte ulit ako. Pumasok ang ilang product endorsements ko at dalawang shows na ang aking inaasikaso ngayon, ang Tok Tok Tok at ang ito ngang Whammy.

“Maganda ang takbo ng relasyon namin ni Abigail dahil pareho kaming sumusunod sa maka-Christian na relasyon. Naging aktibo ako bilang born-again at regular na nagsisimba sa Victory Christian Fellowship Church.”

Ang Whammy Push Your Luck ay mula sa Fremantle Media na naghahatid ng games world-wide. Kaya ang show, bago i-tape in local version ay dumaraan muna sa masusing pagsubaybay ng isang Fremantle Media representative.

* * *
SAMANTALA, tatlong game shows ang magkakasunod na sisimulan ng GMA-7. Magsisimula this Monday ang Whammy Push Your Luck. Susunod dito ay another game show na magsisimula sa Oct. 15 titled Send or Save na isang daily show din. Samantalang ang ikatlo, ang Kakasa Ka Ba sa Grade V Pupil ay ipapalit sa Celebrity Duets.

Balitang nagku-concentrate ngayon ang GMA-7 sa game shows kaysa sitcoms.

Kasi, ito raw ang trend ngayon sa abroad.