
NAOSPITAL pala si Sheree pagkatapos ng taping niya ng Balisong episode ng Kung Ako Ikaw. Sobrang pagod at sumumpong daw ang kanyang sakit sa sikmura. Na-confine siya ng one day sa Medical City . Ngayo’y may anti-acid medicine siyang tini-take as maintenance.
Sabi nga ng KAI staff, napansin nilang hinang-hina sa taping si Sheree at talagang kinaya lang tapusin ang trabaho bilang manggagawa ng balisong sa Taal , Batangas.
Sa final night ng KAI last Wednesday ay panay biro tuloy ng staff sa kanya. Bakit daw wala siyang kagana-ganang gumawa, eh, naroroon ang inspiras-yon niyang si Gian Magdangal.
Tawa at ngiti lang ang isinusukli ni Sheree sa mga nagibibiro sa kanya . Sa-yang nga’t kinapos ng lakas si Sheree para manalo sa contest na sinalihan.
Mismong ang Bisor na sumubaybay sa tatlong celebrities na sina Sheree, Angelu de Leon at Juliana Palermo habang gumagawa ng balisong ay nag-comment na naubusan nga ng lakas ang dalaga habang gumagawa sila ng ba-lisong.
Masipag daw sana si Sheree at gusto talagang makagawa ng balisong kaya lang hindi nito kinaya ang trabaho.
Pinuri nang husto ng Bisor si Angelu de Leon kesa si Juliana Palermo. Kasi, raw matinong gumawa si Angelu. Bukod pa sa hindi ito pasaway. May potential daw na maging magaling na balisong maker ito. Kaya ang nagwagi ng P100, 000 ay si Angelu.
Samantala, ang susunod na episode sa Kung Ako Ikaw ay ang trabahong porter na ang celebrities na sina Marky Cielo, Marco Alcaraz at Diego Llorico ang gumampan.
Sa Negros Navigation pier sa North Harbor nag-porter ang tatlo.
Sila’y naging ‘dancing porter’ kung saan kilala ang porters ng Negros Navigation ships.
* * *
NASABI ni Paolo Bediones sa presscon ng Whammy Push Your Luck game ng GMA-7 na magsisimula sa Oct. 8 sa GMA-7, bago ang 24 Oras, na sinuwerte ulit siya nang kanyang maging girlfriend si Abigail Cruz, 2nd runner-up sa Bb. Pilipinas 2007.
Wika ni Paolo: “Nagkakilala kami during the time na I was so depressed dahil nawalan ako ng daily show, ang Extra Challenge. Nang naging kami siya ang hingahan ko ng mga sama ng loob kaya naging positive ulit ang outlook sa buhay. Sinuwerte ulit ako. Pumasok ang ilang product endorsements ko at dalawang shows na ang aking inaasikaso ngayon, ang Tok Tok Tok at ang ito ngang Whammy.
“Maganda ang takbo ng relasyon namin ni Abigail dahil pareho kaming sumusunod sa maka-Christian na relasyon. Naging aktibo ako bilang born-again at regular na nagsisimba sa Victory Christian Fellowship Church.”
Ang Whammy Push Your Luck ay mula sa Fremantle Media na naghahatid ng games world-wide. Kaya ang show, bago i-tape in local version ay dumaraan muna sa masusing pagsubaybay ng isang Fremantle Media representative.
* * *
SAMANTALA, tatlong game shows ang magkakasunod na sisimulan ng GMA-7. Magsisimula this Monday ang Whammy Push Your Luck. Susunod dito ay another game show na magsisimula sa Oct. 15 titled Send or Save na isang daily show din. Samantalang ang ikatlo, ang Kakasa Ka Ba sa Grade V Pupil ay ipapalit sa Celebrity Duets.
Balitang nagku-concentrate ngayon ang GMA-7 sa game shows kaysa sitcoms.
Kasi, ito raw ang trend ngayon sa abroad.