Saturday, September 22, 2007

Choreographer ni Janet Jackson nag-donate ng dance steps sa concert ni Billy Crawford

HINDI ikinahihiya ni KC Concepcion ang pagiging Pinay. The impressive thing about Sharon Cuneta’s daughter nga kasi, kahit nag-stay siya ng four years sa Europe, kapag kinausap mo siya ng Tagalog, Tagalog din ang isasagot niya. Actually siya pa ang na-surprise sa tanong kung bakit ganun pa rin siyang katatas mag-Tagalog. Sabi nga ni KC, it’s not shocking for her to speak Tagalog dahil pure breed Pinay siya. Katawa-tawa naman daw kung ‘di na siya marunong mag-Tagalog, eh, four years lang naman daw siyang nawala. Tuloy, it reminded us of a lot of Pinoy entertai-ners na ilang taon lang din ang itinagal sa ibang bansa, may twang na. Kadalasan nga, wala pang buwan ang tinatagal nila abroad foreign sounding na sila, ha ha ha!* * *MAY bagong surpresa sa It’s Time concert ni Billy Crawford. Nakiusap si Billy sa second press conference ng kanyang October 6 concert sa Araneta Coliseum produced by White Spectrum, huwag na raw sa-nang pag-usapan pa si KC Concepcion dahil nakahihiya na sa anak ni Sharon Cuneta and everything has been settled na naman daw. Kaya tinanong na lang namin kung ano ‘yung surprise na mapapanood ng audience sa nalalapit niyang concert. First time daw itong mangyayari sa isang concert here and abroad. As everyone knows, si Maryss from Paris ang choreographer ni Billy, pati na rin ang kanyang Movers na part of the concert. Umalis daw muna sa ‘Pina si Maryss dahil may iba itong trabaho sa sariling bansa. Pagbalik niya, may da-la na siyang video of dance steps na bigay ng mga choreographers nina Justin Timberlake, Janet Jackson, Usher and Gwen Stefani among others na ipapasa-yaw kay Billy. It has never been done daw kahit sa US concerts na ganito karaming cho-reographers ang nag-donate ng dance steps. This is also shows how popular Billy is even ab-road para magbigay ng steps ang choreographers ng ibang singers.* * *THIRD episode today ng Star Magic Presents: Abt Ur Luv with Asian cruise. Busy na naman si Ms. RDL with so many weekend presscons, so, nakali-mutan niya na namang magpadala ng PR for our favorite ABS Saturday teen show before Pilipinas Game KNB. Mabuti na lang we always catch the show whenever we can. Mamaya, pagpapatuloy pa rin ng Asian cruise ng ilan sa mga original cast ng Star Magic with side stories sa mga naiwang ba-gong cast sa subdivision and schools nila. Tiyak after Penang Malaysia, their next destination will be Phuket Thailand naman dahil we took the same cruise two years ago, so pamilyar kami sa destination ng barko. May makikilala na naman kayang ibang chicks ang grupo nina Webb (Angelo Patrimonio), Rickson (Chris Gutierrez) and Josh (AJ Perez) tulad ng Malaysian girl na kinasakit ng puso ni Nelle (Lauren Young)? Ang hindi lang namin ma-compute, ito na ba ang second season ender leading to its third season?* * *SA mga sabik na sa Lu-nes, may primer ang Zaido today. Para lubusang maki-lala ang mga Pulis Pang-kalawakan. Ang pamagat ng primer ay Zaido: Ang Bagong Alamat today, after Wish Ko Lang. Masasaksihan dito kung papaano nilikha ang pinakabagong primetime blockbuster ng GMA-7 na base sa sikat na TV series noong ‘80s, ang Shaider. Makikita rito ang ma-salimuot na proseso sa pagbuo ng higanteng series. Lilibutin ang Zaido set -- pati na ang Avilo, ang sasakyang pandigma ng mga Pulis Pang-kalawakan -- na ang inte-rior ay nilikha ng production designer na si Rodell Cruz. Sina Dennis Trillo at ang bagong child star na si Robert Villar ang magsasalaysay. And then tomorrow, isang engrandeng motorcade at mall show naman ang gaganapin.

No comments: