

KAHIT buhos ang ulan noong Monday night, buhos din ang magkahalong lungkot at saya ng cast ng Mga Mata ni Anghelita na nakipag-elbowhan sa mga invited entertainment press ng GMA7.
Parang farewell party dahil pa-exit na ang nasa-bing serye. Kundi kami nagkakamali, mga five nights to go na lang sa ere. Nandoon si Tuesday Vargas, hindi siya agad nakilala, kasi ibang-iba ang aura niya. Bata pa si Tuesday, pero lalong bumata at maganda.
UP graduate si Tuesday at tapos ng Masscom. Naggu-glow ang eyes ng comedienne nang makaharap namin, kasi super in-love siya sa kanyang dyo-wa ngayon na guwapo at may pagkabagets.
Kasamahan daw niya si papa sa bandang Topjunk at si Tuesday (Marizel Sarangelo in real life) ang soloist. Ipinagtapat ni Tuesday na may son siya na five years old, courtesy ng first guy na Atenista na nakarelasyon niya. Pero, matagal na silang split, kaya daw kayod-to-death siya, kasi walang sustento mula sa fadir.
There you are!
* * *
DUMATING sa farewell party si Isabel Oli, escorted by BF Paolo Contis. Dumating din si Ynna Asistio, ang talented daughter ni Nadia Montenegro and former Mayor of Caloocan City Boy Asistio.
Magaling kumanta si Ynna, mabuti ‘di nagmana sa mader na paliko ang boses. ‘Yung shoes ni Isabel ang tumawag-pansin sa amin, wedge na kulay berde ‘yun.
As usual ang tanu-ngan, kailan daw ba papayat si Ryan Yllana na super-taba talaga. Gusto naman daw niyang maging slim. Kaya lang baka raw ‘pag pumayat siya mawalan na siya ng trabaho at mawalan siya ng datung. ‘Yung pagiging obese daw niya ang in-demand. Late night nang dumating si Krystal Reyes, ang star ng Mga Mata ni Anghelita. Natrapik daw ang ba-gets na galing pa ng San Jose,Bulacan. Mataba na siya ngayon. Kasi medyo maluwag na raw ang taping schedule niya. Naka-eye-glasses ang bagets, pero wala namang grado. Pamporama lang daw ‘yun.
Tinutukso si Krystal ng press people. Kasi nitong birthday niya, isang party ang idinaos sa isang expensive na lugar. Walang ginasta ang parents ni Kystal kasi si Paolo Contis ang sumagot sa gastos ng masayang birthday party niya.
Ang pinagkaabalahan lang ng parents niya ay invitations sa relatives, friends, classmates at lahat ng Kapuso cast and staff ng Mga Mata ni Anghelita.
Naku, magkaribal pala sina Isabel at Krystal sa puso ni Paolo? Hinihintayin kaya ni Paolo ang pagdadalaga ni Krystal?
* * *
GUSTO kong i-congratulate ang bagong TV show sa RPN9 na tipong magazine show at pawang serious stories ang itinatang-hal ng writers at researchers ng programang may pamagat na Banyuhay (Bagong Anyo ng Buhay). Initial presentation ito ng ETV na dalawang matitibay na broadcasters ang host, sina Angelique Lazo at Vic Dela Paz. Si Angelique, puwede nang ituring na matatag na haligi ng TV & Radio broadcasting.
Ilang dekada na rin siya sa kanyang chosen craft, nag-start siya sa ABS-CBN. Si Vic naman ay radio broadcaster ng DZME, matapang magbalita at may anghang ang dila, walang kinatatakutan at walang uurungan, kaya sila ang pinagsama sa Banyuhay sa direksyon ng batam-batang direktor na si Elmer De Vera.
Last Sept. 21, (10:30-11:30 PM) ang first telecast sa RPN9, at klik agad sa viewers. Every Friday na itong mapapanood. For a change, may iba ka-yong mapapanood, different from other shows na katapat ng slot ng Banyuhay.·
No comments:
Post a Comment